94

Dec 21, 2017 @ 11:23
By

Kakampi lang ni Duterte ang nakikinabang sa budget – Baguilat

Binanatan ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang pagtanggal sa mga proyekto para sa mga distrito ng mga kongresistang taga-oposisyon.

Tahasang tinawag ni Baguilat na diktaturya at hindi katanggap-tanggap ang hakbang na ito, na ang layunin anya ay supilin ang mga kritiko sa pagpuna sa administrasyon.

“The unilateral removal of projects already approved by congress on third reading is an assault on democracy which rests on critical checks and balances,” ani Baguilat.

Iginiit ng kongresista na ang mga proyektong inalis sa 2018 budget ay para sa mga mamamayang dapat pagsilbihan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng administrasyon nito kasama ang constituents ng mga taga-oposisyon na aniya’y taxpayers din.

Ayon kay Baguilat, mali na gamiting “political tool” ang budget kung saan ang nakikinabang lamang ay ang mga kakampi ng administrasyon.

“The budget should be looked at objectively to make sure that taxpayer money goes where it is needed the most, and not used as a reward for those who will blindly follow the administration’s wishes, whether right or wrong,” diin ng mambabatas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?