1,425

Jul 6, 2022 @ 16:15
By

Kakalaro ng ML: ‘Hadji’ natupad pangarap na bahay

Isa sa mga pangarap ni Sali ‘Hadji’ Imam ang kanyang naabot mula sa paglalaro ng Mobile Legends.

Si Hadji, na parte ng Mobile Legends team na Blacklist International, ay magpapatayo na ng kanyang sariling bahay. Ang kuwarta ay bunga ng kanyang tagumpay sa esports.

“Alhamdulillah..finally!!!Isa sa pangarap ko ang natupad,” saad ni Hadji sa kanyang Facebook post ngayong Miyerkoles.

“Ang saya sa pakiramdam na unti-unti ko nang natutupad mga pangarap ko.Sa tagal ko sa paglalaro ng MLBB,sulit lahat ng pagod. noon pa man pangarap ko na makapagpatayo ng bahay para sa pamilya ko,so eto na!!! Maraming salamat sa mga taong sumusuporta at naniniwala sakin,” dagdag pa ng 19-anyos na manlalaro.

Mula nang sumalang sa professional Mobile Legends tournament noong 2019, samu’t-saring kampeonato na ang naibulsa ni Hadji.

Parte siya ng championship ng Blacklist sa Mobile Legends Professional League season 8 at M3 World Championships.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?