159

Dec 20, 2019 @ 13:45
By

Kakaibang katapangan! Judge Solis-Reyes pinuri ng mga Pinoy

May ilang umatras sa tinuturing na pinakamarahas na election-related case sa bansa, ngunit ibahin si Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Noong Disyembre 2009 ay hindi dapat mapupunta sa babaeng hukom ang nasabing kaso, nang una itong ipa-raffle ay napunta kay Judge Luisito Cortez ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84.

Ngunit inayawan ang kaso sa takot na manganib ang buhay ng kanyang pamilya dahil sa lampas 100 na akusado, kasama pa ang Ampatuan clan na naghahari sa Maguindanao.

Muling ni-raffle ang kaso, at nabunot si Solis-Reyes na tumapak sa hamon, may ilang report pa na umayaw umano ito sa police security.

1 dekadang hinawakan ni Solis-Reyes ang kaso, kasabay nito ang hindi pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa judiciary dahil kakailanganing bitawan ang kaso at ibig sabihin ay mauulit na naman ang pagsusuri ng ibang judge sa Maguindanao murder case.

Marami ang pumuna kay Reyes dahil sa tingin ng iba na mabagal na paghahatol, na noong Nobyembre 20 pa dapat ipapataw ngunit dahil sa voluminous record ay inurong nitong Disyembre 19.

Pagdating ng promulgation, reclusion perpetua ang hatol sa limang miyembro ng Ampatuan clan, na ikinatuwa ng madla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?