141

Apr 5, 2018 @ 16:10
By

Kakai, Ahron nagbati alang-alang sa pera

At least nagpaka-totoo si Kakai Bautista nang sabihin niyang na dahil sa pera kaya niya tinanggap ang alok na makasama sa movie si Ahron Villena.

Dati silang natsismis na may something hanggang sa nagkaroon ng hidwaan sa social media at hindi na nag-usap.

“Sayang naman, maganda ang alok at trabaho ‘yun,” sey ni Kakai sa kaugnay na panayam tungkol sa sinasabing movie team up nila.

But more than the good money, siyempre kapwa nila sasamantalahin ang pagkakataon na maging bidang-bida sa movie.

Ilan bang gaya nila ang nabibigyan ng ganung oportunidad? Bida na, may datung pa?

Kaya naman asahan na nating mabubuhay ang anuman sa kanila come the ad and promo campaign ng nabanggit na movie.

Baka nga bago pa man ‘yun, ay ianunsyo nilang naging sila nga at nagkabalikan uli hahahahaha!

Kim bantay-sarado ni Xian vs Ryan

Nakakaaliw naman ang balitang biglang naging generous si Ryan Bang sa mga katrabaho niya sa ginagawa nilang movie ni Kim Chiu.

Kung dati raw ay si Ryan ang madalas na magpalibre sa mga nakakasama niya sa movie nung support-support pa lang ito, this time na bida na siya ay ito na umano ang nagti-treat. Yes, bibida na nga si Ryan Bang at leading lady pa niya si Kim na balitang tuwang-tuwa sa pagiging kalog ng aktor.

Kahit daw ang ibang miyembro ng produksyon ay dinadalhan ni Ryan ng food, pero espesyal ang para kay Kim.

Hindi naman daw natatakot ang aktor na awayin o intrigahin ito ng mga fan nina Kim at Xian Lim, dahil si Ryan pa nga raw ang reason kung bakit mas napapadalas ang pagbisita sa set ni Xian para sabayan ng pagkain si Kim hahahaha!

Nagtatanong tuloy ang aming source kung hindi daw ba nagso-solicit si Ryan sa Mama Vice Ganda niya ng pambili ng food dahil dati pang ipinagmamalaki ng Korean actor-host na madalas niya itong harbatan ng datung, kesa daw ipanlalaki nito!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?