70

Feb 29, 2020 @ 14:31
By

Kaingin sanhi ng forest fire sa Benguet – DENR-Cor

Ang mga bundok ng Benguet ay patuloy na nasusunog kung saan naabo na ang nasa 106,547 na pine trees at mga sapling (punta) sa mahigit kumulang na 900 ektarya, ayon sa Department of Environment and Natural Resources-Cordillera (DENR-Cor).

Ang 199 na ektarya sa area ng National Greening Program (NGP) ng DENR-Cor ay naapektuhan din na nasabing forest fire.

Ang NGP ay ginawa upang tulungan unangat ang water reservation para sa tatlong dam ng Northern Luzon gaya ng Binga, Ambuklao at San Roque.

Ayon sa DENR-Cor, ang nasabing sunog ay may masamang epekto sa suplay ng tubig.

Sinabi ng ahensya, ang water level ng mga sapa at ilog ay paubos na.

“Medyo limited na ‘yung tubig. Yung community rin sinasabi nila kumaunti yung tubig sa creeks and sa rivers,” ani Edgardo Flor, DENR-Cor officer.

Dagdag ni Flor na ang forest fire ay nagsimula ito umano sa “kaingin” o paglilinis sa mga bundok sa pamamagitan ng pagsunog ng mga kahoy.

“One reason is yung kaingin, nag-uumpisa na kasi sila to clear yung ilang area para sa preparatory sa planting time sa March at April,” ani Flor.

“Sinusunog nila ung damo para pagdating ng tag-ulan tutubo ulit ‘yung damo at ‘yun ang gustong kainin ng mga baka,” dagdag ng kalihim.

Gayunpaman, sinabi ni Flor na wala silang kakayahan upang mag-file ng complaint sa mga salarin dahil kulang sila sa mga saksi at ang mga residente ay tumangging tulungansila sa imbestigasyon.

“Minsan pag magfa-file kami ng kaso bihirang manalo sa korte kasi kailangan nakita mo mismo at isa pa walang witness. Alam minsan ng community pero ayaw nilang ituro. Siguro kung may witness pwede makapagkaso,“ ani Walter Pedro, isang environmental management specialist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?