19,914

By

‘Kain pepe’ t-shirt inalmahan ng mga netizen

Nainis ang mga netizen sa social media influencer na si Leng Altura dahil sa pag-eendorso nito ng “kain pepe” clothing line.

Agad kumalat ang controversial photo ni Altura matapos niyang pumayag na isuot ang damit na may vulgar na statement.

Ani @DelANlRA, may pagkakaiba ang pag-encourage sa mga kababaihan na huwag matakot na i-explore ang kanilang sexuality sa itrato ang mga itong sexual objects.

Ang “Kain pepe” t-shirt daw ay hindi nagpapakita ng women empowerment.

“There’s a difference between encouraging women to not be afraid of exploring their sexuality and treating them as sexual objects. “Kain pepe” tshirt does not speak anything of women empowerment,” tweet ni @DelANlRA.


Tinawag naman ni @iyongYna_ na “horrible” ang pag-promote ni Altura ng ganoong klase ng clothing line.

“’Kain pepe’ shirts now becoming a fad. This is a proof that marketing strategies can become this vulgar just to entice the target market. I’m not a basher or whatevah. Idc kung anong plano nya sa katawan nya but a ghorl promoting this kind of clothing line is horrible,” comment ni @iyongYna_.


Para naman kay @baklangkanal, hindi isyu ang pananamit ni Altura kundi ang clothing line na ineendorso nito na sumusuporta aniya sa pag-normalize sa sexual harassment.

“Gosh di naman issue dito yung pananamit ni Leng. It’s the clothing line she’s endorsing. Women wearing “Kain pepe” shirt basically support normalizing of sexual harassment and objectification among women. I support locals, yes, but this clothing line is a fucking trash,” giit ni @baklangkanal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?