60

Dec 16, 2017 @ 11:46

Kailangang kumayod para sa 4-peat – SMB coach Austria

Pakay ng San Miguel Beermen na masikwat muli ang all-Filipino title at nag-aasam sa record na 4-peat.

Sinabi ni Beermen coach Leo Austria sa isang pahayag na malaki ang ekspektasyon sa kanilang koponan at hindi sila maaaring magpabaya lalo’t higit dahil nasungkit nila ang No. 1 pick sa nakaraang rookie draft na si Christian Standhardinger.

“Disappointment kapag hindi ka nanalo ng championship with our past five championships. Everybody expects us to be there always, what more kung meron na kaming Christian (Standhardinger),” ani Austria sa Spin.ph.

Inamin naman ng multi-titled mentor na mahihirapan silang matangay ang Philippine Cup dahil lahat umano ng koponan ay nagpalakas ng kanilang roster gaya na lamang sa hirap nila na makuha ang grand slam ng huling season.

Aniya, kailangang kumayod nang husto ang kanyang mga player at harapin ang inaasahan sa kanilang koponan para mas lalo pa silang humusay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?