118

Oct 9, 2017 @ 16:41

Kailangang bumawi ni Duterte – JV, Migz

May payo sina Senador Joseph Victor “JV” Ejercito at Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri ang Duterte Administration para makabawi si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang satisfaction rating.

Ayon kay Senador Zubiri, dapat tutukan ng pamahalaan, partikular ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) ang pagpaparating sa mamamayan ng mga magagandang balita o mga programang nagagawa ng gobyerno.

Sinabi ni Zubiri na ang mga good news ay kadalasang natatabunan ng mga bad news kaya’t normal na bababa ang rating ng Pangulo.

“My humble advise maybe less press conferences and more groundbreakingsm inagaurations, more ribbon cuttings of big ticket items na mararamdaman ng ating mga kababayan. That’s my advise to the whole team,” pahayag ni Zubiri.

Pinamamadali naman ni Ejercito sa gobyerno ang pagpapatupad ng mga infrastruture projects upang maramdaman na ng taumbayan ang mga pangako ng gobyerno noong kampanya.

“Wake up call for the administration for the president and president’s men to expedite things kung pwedeng bilisan lahat kasi ako ung infrastructure projects medyo nababagalan na rin ako,” saad ni Ejercito.

Iginiit din ng mambabatas na dapat hindi na ang mismong Pangulo pa ang palaging sasagot sa mga isyu.

“Sa tingin ko rin si Presidente kasi has been the one answering sya mismo ung nasa firing line probably its about time the others, the cabinet secretaries ung mga alter ego to do or to pitch in,” pahayag ni Ejercito.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?