51

By

Kailangan ng heart-to-heart talk sa Gilas – Romero

Sharing is caring!

Hindi nagpahuli ang ilang kongresista sa nangyaring rambol sa pagitan ng mga manlalaro ng Gilas Pilipinas at Australia sa Philippine Arena kagabi.

Aminado si 1-PACMAN partylist Rep. Mikee Romero na hindi maipagmamalaki ang naturang insidente.

Pero hindi rin naman daw siya papayag na ma-bully ng iba ang mga Pilipino.

“Many countries try to bully each other during international games. Whoever blinks first loses his pride and dignity for the rest of their basketball life,” ayon kay Romero.

Sabi ng kongresista, kailangang kausapin nang masinsinan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang Gilas team.

Tiniyak naman nito ang suporta sa mga manlalarong Pinoy.

Si 1-CARE partylist Rep. Carlos Roman Uybarreta na nasa Philippine Arena kagabi, nanghihinayang sa pagkakataon pero nauunawaan daw ang naging desisyon ng FIBA referees.

“The referees were circumspect. In the interest of truth and fairness, they viewed all the footage on the court and even in the outside broadcast van,” ani Uybarreta.

“They even decided to keep the game going until it could no longer be played,” dagdag ng kongresista. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?