27

Jul 21, 2021 @ 17:45
By

Kailangan na sa NBL! Kai Sotto wala sa FIBA Asia Cup

Hindi na makakasama sa Gilas Pilipinas para sa King Abdullah Cup at FIBA Asia Cup si Kai Sotto dahil sa kontrata nito sa Adelaide 36ers sa Australia.

Nagpaalam na umano si Sotto sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

“We were told that Kai would be fulfilling his commitment with Adelaide,” wika ni SBP Special Assistant to the President Ryan Gregorio.

“His management team (East West Private) informed us that Kai is bound to join his new team as soon as possible,” dagdag pa ni Gregorio.

Ang King Abdullah Cup na gaganapin sa Amman, Jordan ay warm-up tournament ng Gilas para sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Agosto sa Indonesia.

Ngunit dahil kailangan na rin ng 36ers si Sotto para sa kanilang paghahanda para sa National Basketball League season, kailangan na ring lumisan ni Sotto pansamantala sa national team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?