249

Sep 8, 2021 @ 22:22
By

Kailangan may reserba: Duterte pinagmalaki na may 2 asawa

Pinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na may dalawa siyang asawa at kinumpara ito sa sasakyan.

Inihayag niya ito matapos tanggapin ang nominasyon ng PDP-Laban Cusi faction bilang vice presidential candidate nito sa 2022 elections.

“Kailangan makilala ninyo ako, hindi ninyo ako kilala. Ako naniniwala sa Diyos, ako ay maybe a good father, ako ay may dalawang asawa at marami naman kami dito,” saad niya sa ginanap na national convention ng partido sa Pampanga.

Aniya, tulad ng sasakyan, kailangan daw may reserba kapag iniwan ng asawa.

“Mismo iyong sasakyan mo may reserba, ‘yan sasakyan ‘yan, tao pa kaya? Iwanan ka ng asawa mo kasi ‘di kayo magkaintindihan pagkatapos niyan, basta maghiwalay lang. Ngayon kung wala kang reserba, papaano ‘yan?” aniya.

Dating asawa ng Pangulo si Elizabeth Zimmerman kung saan mayroon siyang tatlong anak na sina Paolo, Sara at Baste.

Kasalukuyang partner ng Punong Ehekutibo si Honeylet Avanceña, may isa silang anak na si Veronica.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?