418

Oct 10, 2020 @ 9:14
By

Kailangan maturuan! Briones nagising sa pagmumura ng mga estudyante

Hindi makapaniwala si Education Secretary Leonor Briones na sa kanyang edad na 79 ay mamumura siya sa kauna-unahang pagkakataon mula pa sa mga batang estudyante.

Ayon kay Briones, ang mga masasakit na salita sa kanilang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) ang nagpursigi sa kanila para ituloy ang pagbubukas ng klase sa kabila ng COVID-19 pandemic.

“May mga statements, may mga mura, sa buong buhay ko, hindi pa ako namura nang P of the I, can you imagine at my age, P of the I kuno ko,” ayon kay Briones sa panayam ng One News.

“Mga ganyang klase na lengwahe, which emphasize the fact that we really need to educate our learners and also the adults,” aniya pa.

Lahad pa ng kalihim, may mga mali man sa kanilang sistema ay siniguro nitong maayos na mapapatupad ang pagbubukas ng klase sa higit 50,000 dry run na kanilang ginawa para dito.

“May nagsasabi na ‘hindi kaya ng DepEd, mahina ang DepEd et cetera, di nila ‘yan kaya’, pero siguro nakayanan naman namin dahil alam namin kung ano’ng mangyari,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?