766
Kaibigan ng demonyo si Duterte? Malacañang pumalag sa pahayag ni Pope Francis
Feb 21, 2019 @ 15:50
By

Kaibigan ng demonyo si Duterte? Malacañang pumalag sa pahayag ni Pope Francis

Hindi umano tinamaan si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag ni Pope Francis na ang mga taong walang ginawa kundi tuligsahin ang Simbahang Katoliko ay mga kaibigan ng demonyo.

Sa pagsasalita ni Pope Francis sa mga sumasamba sa Vatican, sinabi nitong mga “friend, cousin at relatives of the devil” ang mga madalas magkritisismo sa Simbahan.

Paliwanag ni Spokesperson Salvador Panelo, hindi siya naniniwala na kabilang si Pangulong Duterte sa pinatutungkulan ng Santo Papa bilang “kaibigan ng demonyo”.

“One of the better critics of the Church is the Pope himself. He criticizes the members of the Church who are engaged in what he perceives to be immorality which is outside the teachings of Christ or internal discipline of the Church. If I will agree with that then the Pope will be referring to himself also because he is a critic,” ani Panelo.

Matatandaang madalas na banatan ng Pangulo ang Catholic Church dahil sa pagiging kritiko nito sa kanyang war on drugs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?