106

By

Kai, Thirdy, Kobe sanib-pwersa sa Gilas SEAG pool

Posibleng masilayang maging magkakakampi ang Fiba Asia U-18 top five athlete na si Kai Sotto, Ateneo guard Thirdy Ravena, at dating US NCAA player Kobe Paras sa 2019 Southeast Asian Games.

Ito’y matapos mapasama ang kanilang mga pangalan sa 24-man pool na issusumite ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa SEA Games organizing committee para mapabilang sa Gilas Pilipinas.

Bukod sa tatlo, kasama rin ang lima pang top amateur player na sina Justin Baltazar, Isaac Go, Juan Gomez de Liano, Ricci Rivero at Dave Ildefonso sa pool.

Ibig sabihin ay 16 na manlalaro ang manggagaling sa pro ranks na una nang inanunsyong kasama sina SMB forward Christian Standhardinger at Ginebra scorer Stanley Pringle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?