59

By

Kai Sotto umabante sa ESPN Top 100

Mula pang-74, umakyat sa 68 ang pwesto ni Kai Sotto sa ESPN Top 100.

Sa latest update ngayong Enero 21 ng Top 100 Recruiting Player Ranking, kasama ng 7-foot-1 prodigy sa 2020 potential draft class si Fil-Am Jalen Green, na nanguna sa ranking ng ESPN.

Ito, matapos niyang magkamit ng MVP award sa US para sa The Skills Factory Invitation tourney sa Atlanta.

Sa kanyang position namang sentro, ranked 11 si Sotto, at makikita rin na 4-star recruit na sakali mang piliing maglaro sa US NCAA ng Pinoy talent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?