129

Jun 24, 2022 @ 13:03
By

Kai Sotto sawi sa NBA draft

Sa 60 pangalang tinawag para maging bagong NBA player ngayong Biyernes, hindi man lang nabanggit ang pangalan ni Kai Sotto.

Bigo ang Pinoy na makapasok sa 2022 NBA draft.

Bago ang draft, maliit na ang tsansa ni Sotto na makapasok kung titingnan ang karamihan sa mga mock draft.

Hindi tulad ng karamihan sa mga na-draft na galing US-NCAA, sa Australia nakipagsapalaran si Sotto bilang parte ng Adelaide 36ers.

Kaya naman, naging malaking sugal para kay Sotto ang makipagsapalaran sa NBA draft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?