560

By

Kai Sotto sa ‘Pinas o abroad? Ray Parks sumagot

Isa si Bobby Ray Parks Jr. sa dugong Pinoy na may malawak na local at international experience hindi pa man ito nakakatungtong sa PBA.

At dahil dito, isa siya sa mga kuyang dapat lapitan ng 7-foot prospect na si Kai Sotto na naguguluhan kung ano ang pipiliin, ‘Pinas ba o offer abroad?

Kung si Parks, na nakapaglaro na NBA D-League maging sa Gilas, ang tatanungin, madali lamang dapat ang maging desisyon ni Sotto.

“Should send him overseas ASAP,” saad sa tweet ni Parks.

Nagpahayag ng interes si Sotto para makapaglaro sa NBA, at isa sa mga posibleng susi ay tanggapin ang offer ng mga European ball club para mahasa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?