38

By

Kai Sotto poposte sa Batang Gilas

Sharing is caring!

MASUSUBOK ang tatag ng 34th world ranked Batang Gilas Pilipinas sa unang pagsagupa sa 10th ranked Croatia sa group play ng 2018 FIBA U17 World Cup sa Hunyo 30-Hulyo 8 sa Rosario at Santa Fe sa Argentina.

Hindi pa nagkakasagupa sa kasaysayan ng torneo at unang tsansa pa lang na magkakatapat ang Pilipinas at Croatia sa 16 na koponang torneo para sa gold medal habang nabigo na ang Batang Gilas sa una nitong pagkuwalipika sa torneo noong taong 2014.

Natalo ang Batang Gilas sa kasalukuyang 7th ranked na France noong Agosto 12, 2014 sa FIBA U17 basketball for men, 57-86, bago nasundan ng 71-84 kabiguan noong Agosto 14 kontra sa 8th ranked Argentina.

Popostehan ni Kai Zachary Sotto, na kinikilala ng FIBA bilang isa sa 7 pinakadominanteng batang atleta sa mundo, sa paglista sa FIBA U16 Asian Championship 2017 ng 16.8 points, 13.5 rebounds, 2.5 blocks at 1.2 assists.

Ang 7-feet 1 big man ay kabilang na din sa Philippines senior national team na “23 for 23” pool of players para sa preparasyon nito sa FIBA Basketball World Cup 2023 na iho-host ng Pinas.

Ang Batang Gilas ay binubuo nina Gerry Abadiano, Carl Tamayo, Bismarck Lina, Miguel Pascual, Rafael Go, Joshua Lazaro, Forthsky Padrigao, Mac Guadana, Geo Chiu, Raven Cortez, Terrence Fortea, RC Calimag at si Sotto.

Nagkwalipika ang Batang Gilas sa torneo nang pumang-apat sa Under-16 Asian Championship sa China noong Abril. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?