57

Jun 24, 2022 @ 15:32
By

Kai Sotto nilinaw: ‘Di ko inayawan ang summer league!

Pinasinungalingan ni Kai Sotto ang ibinunyag ng kanyang agent na si Joel Bell na tumanggi raw siyang maglaro sa NBA Summer League para pagtuunan ng pansin ang Gilas Pilipinas.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Sotto na mali ang sinabi ni Bell. Gayundin, nagpasalamat ang basketbolista sa lahat ng kanyang mga taga-suporta.

“Thank you to everyone for your support and kind words tonight, I won’t stop pursuing the dream of being in the NBA…..this is not the end,” saad ni Sotto sa kanyang post.

“I also want to clarify that no decision has been made about me not playing in the summer league. My agent misspoke,” dugtong pa ni Sotto.

Si Sotto ay bigong makapasok sa NBA draft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?