1,213
Kai Sotto nakahanap ng katapat
By

Kai Sotto nakahanap ng katapat

Sa tangkad na 7-foot-2, mahirap makahanap ng isang tao na kayang tingnan ni Kai Sotto ng mata sa mata.

Ngunit sa 2019 Chooks-to-Go NBTC League Division 1 All-Star Game, isang tao mula sa stands ang tila kawangis ng haba ng 17-anyos na atleta, at sa pagkakataong ito, tila dehado pa si Sotto pagdating sa patangkaran.

Itinuturing na pinakamatangkad na Pinoy, si Raul Dillo, o mas kilala bilang ‘Ang Pambansang Kapre’, ay nakadaupang-palad ang tinaguriang ‘Kaiju’ na si Sotto sa nasabing exhibition match.

Sa Facebook post ng page na Ballers Pinas, halos pantay lang ang balikat ng dalawa dahil sa 7-foot-3 height ni Dillo, na kilalang actor at lumabas na sa ilang pelikula tulad ng Super Inday and the Golden Bible, Banyo Queen at Spirit Warriors.

Ngunit lingid sa kaalaman ng ilan ay dati ring basketball player si Dillo bago nito pasukin ang mundo ng showbiz.

Nakasali ito sa training team ng University of the East Red Warriors noong kolehiyo ito, at naglaro rin para sa defunct Metropolitan Basketball Association para sa San Juan Knights ngunit hindi naging maganda ang naging perforamance kaya mas ginustong mag-artista na lamang.

Hiling sa nasabing post na kung sakaling magkaanak ito ay sana’y makasalang sa basketball sakaling makuha ang matangkad na lahi ni Dillo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?