57

Jun 22, 2022 @ 16:23
By

Kai Sotto nagpapawis kasama Indiana Pacers

Kinilig ang mga Filipino fan nang imbitahan ng Indiana Pacers sa kanilang workout si Kai Sotto.

Kasunod ito ng naging team workout ni Kai sa Sacramento Kings kamakailan.

Sa Twitter page ng Pacers, ibinahagi ang short interview kay Kai, dalawang araw bago ang pinakahihintay na NBA Rookie Draft sa Biyernes, June 24.

Umaasa ang mga Pinoy na maging unang player si Kai na ipinanganak sa Pilipinas na maglaro sa NBA.

Sa kabila naman na hindi pa rin kasama ang pangalan ni Kai sa Top 60 ng final projection mula sa mga top US-based sports website, umaasa ang kampo ng 7-foot-3 phenom sa “undisclosed NBA team” na gusto umanong kunin ang Filipino sensation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?