82

Feb 26, 2020 @ 19:47
By

Kai Sotto na-feature sa US sports site

Dapat ma-excite ang mga Pinoy basketball fan dahil masisilayan na si NBA prospect Kai Sotto sa Bleacher Report.

Sa Twitter account ni Sotto, binahagi nito ang shooting para sa feature na ginagawa ng US sports site.

“Humbled that @BleacherReport spent the last two days with me and my team. Story’s are meant to be shared and to give a path for generations to come,” ayon sa tweet ng 7-foot-2 cager.


Si Sotto ay kakagaling lang sa Basketball Without Borders Global Camp kung saan tinuruan sila ng NBA champion na si Pascal Siakam, at Chicago Bulls star na si Lauri Markkanen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?