12

Jan 21, 2021 @ 14:09
By

Kai Sotto maglalaro para sa Gilas

Babalik ng bansa si Kai Sotto para maglaro kasama ang Gilas Pilipinas para sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng 7-foot-3 big man na excited na siyang makapaglaro para sa Gilas.

https://www.instagram.com/p/CKSdz7Yjr5M/?igshid=1ku9soibkm8dm

“Sobrang excited ako na nabigyan ng opportunity para makapaglaro sa Gilas ngayong February window,” sambit niya sa video.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumusuporta at naniniwala sa aking pangarap na makapaglaro para sa bayan at sa tamang panahon, sa NBA,” dagdag pa niya.

Taong 2018 nang i-renew ni Sotto ang kanyang kontrata bilang bahagi ng national team.

Kasalukuyang nasa ibang bansa ang big man para sa page-ensayo niya sa NBA G League sa ilalim ng koponan niyang Ignite.

Nakatakdang ikasa ang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa susunod na buwan sa Clark, Pampanga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?