21

Jan 14, 2021 @ 17:11
By

Kai Sotto lalong humaba

May ihahaba pa pala si Kai Sotto!

Ito ay matapos mag-tweet ng 18-anyos ng mga “new facts” tungkol sa kanyang sarili.


“New Facts: Height 7’3, Wingspan 7’5. Continue to watch me work,” saad niya sa naturang tweet.

Ayon sa ulat, tumangkad ng isang inch si Sotto mula sa dati niyang height.

Nadagdagan din ang wingspan nito ng four inches.

Kina-excite naman ng mga fan ni Sotto ang magiging performance nito sa team niyang Ignite na isang developmental team ng NBA G League.

Tatayong coach si Brian Shaw ng naturang team na dating manlalaro ng Los Angeles Lakers

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?