37

Dec 2, 2021 @ 15:44
By

Kai Sotto garahe sa NBL opening

Hindi makakalaro si Pinoy teen sensation Kai Sotto sa unang laro ng Adelaide 36ers sa Australian league na NBL.

Ayon sa Adelaide, may iniindang knee soreness si Sotto.

Ang opening game ng 36ers ay sa Biyernes laban sa Perth.

Sa pre-season pa lamang ng NBL ay ilang laro na ang nawala si Sotto dahil sa injury.

Hindi pa naman inanunsyo kung kailan makakabalik sa aksyon ang Gilas standout.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?