28

Jun 16, 2021 @ 8:52
By

Kai Sotto ayaw isagad ni Baldwin

Sa wakas ay sasalang na si Kai Sotto kasama ang Gilas Pilipinas Men kontra Korea ngayong Miyerkoles sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers third window.

Ngunit ayon kay Gilas head coach Tab Baldwin, posibleng ilang minuto lang makita sa court si Sotto dahil limitadong playing time pa lang ang ibibigay kay ‘Kaiju’.

Paliwanag ni Baldwin, ang dalawang linggong quarantine ay posibleng makaapekto kay Kai kaya hindi na muna isasagad ang minuto ng NBA prospect.

“Not being able to do any basketball activities for 14 days will take its toll on anyone so there will be a bit of load management from our part for Kai,” saad ng nagbabalik na Gilas coach.

Ayaw din nilang madaliin ang pagpapakondisyon ni Kai.

“He did his best to stay in shape during that period but it’s a very quick turnaround. We don’t want to rush him back because, as we’ve said in the past, we cannot risk our long-term goals for short-term gains,” lahad pa ni Baldwin.

Lalabanan ng Gilas ang Korea ganap na alas-6 ng gabi, sa Angeles University Foundation gym sa South Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?