19

Feb 27, 2021 @ 20:30

Kai posible sumabak sa Olympic Qualifying

POSIBLENG mapasama sa Gilas lineup na sasabak sa Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Belgrade, Serbia sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 ang 7-foot-3 na si Kai Sotto.

Ito ang lumalabas na ideya matapos na hindi makabalik sa kanyang Ignite team sa NBA G League si Sotto.

“Whatever may happen to their respective paths, they can always be sure that the SBP will be there to provide them a stage where they could perform for their Filipino fans,” ayon sa pahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Kapag nagkataon, lalong lalakas ang front court ng Gilas Pilipinas dahil inaasahang maglalaro na rin si Ivorian center Angelo Kouame matapos maaprubahan sa Senate comittee level ang naturalization process nito kamakailan.

Wala pang anunsiyo ang handler ni Sotto na East West Private kung ano ang sunod na hakbang para sa basketball career ng 18-anyos na player. (Abante/Tonite Sports)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?