68

Jan 21, 2020 @ 18:57
By

Kai mas love ang Tate – netizen

Hindi nagustuhan ng ilang Pinoy fan ang biglaang pagkansela ni Kai Sotto sa paglalaro para sa Mighty Sports na sasabak sa Dubai International Basketball Championship simula Huwebes sa United Arab Emirates.

Ayon mismo sa team, hindi na nila makakasama sa torneo ang 7-foot-2 basketball player dahil sa isyu ng logistics at schedule.

Tingin ng mga fan ay mas pinaghahandaan ni Kai ang paglahok sa US NCAA kaya dedma na ito sa pagsali sa PH team.

“Eligibilty concerns to kaya nagbackout. Malaki mawawala pag nag ineligible sya sa NCAA. Goal pa naman ang NBA which is achievable if NCAA sya,” sabi ni @GerryArquillo.

“Good move yan. Baka mamaya maka apekto pa yan sa Eligibility nya sa US NCAA. Dapat lang,” tweet ni @GerardGatbonton.

“One thing for sure, if he plays in Dubai, his chances and eligibility playing in USNCAA will be in jeopardy!” ayon kay @JimmyCoscolluela.

Kasalukuyang naghahasa ng talento ang former Ateneo star sa The Skill Factory na naka-base sa Atlanta at nakipagkita na sa mga pamunuan ng Auburn University, University of Kentucy, Georgia Tech at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?