18

Sep 14, 2021 @ 13:43
By

Kahit walang Valdez, Morado: De Brito kuntento sa 24-woman pool

Pinaliwanag ni national women’s indoor volleyball team consultant Jorge Souza de Brito na gusto nila ng mas matangkad at batang manlalaro kaya inisnab ang mga beteranang sina Alyssa Valdez at Jia Morado.

“I needed some fresh players, younger and taller,” pahayag ni de Brito sa PSA forum ngayong Martes. “For this time, I think we have here (in the team) all the best.”

Si Valdez, 28, at Morado, 26, ay mga regular na parte ng national team sa mga nakaraang international competition.

“We, all coaches, are always trying for the best of the national volleyball team. We’ve taken the best decision as of now,” dugtong pa ng Brazilian coach.

Binubuo ng 24 manlalaro ang national team pool nina de Brito at Pinoy coach Odjie Mamon.

Nauna nang dinahilan ni Mamon na naitsapwera sina Valdez at Morado dahil ‘di sila makakapunta sa tryouts bunsod ng conflict sa schedule ng koponan nilang Creamline sa Premier Volleyball League.

Sa kabila ng dahilan ng dalawang coach, karamihan sa mga fans ay napapakamot pa rin ng ulo sa ‘di pagsama kanila Valdez at Morado sa national team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?