599
Kahit walang private complainant, Kapa Ministry pwedeng kasuhan – NBI
Jun 12, 2019 @ 15:51
By

Kahit walang private complainant, Kapa Ministry pwedeng kasuhan – NBI

Nagbigay ng update ang National Bureau of Investigation (NBI) tungkol sa ginagawang imbestigasyon laban sa Kapa Ministry International Inc.

Naitanong kay Deputy Director Antonio Pagatpat kung paanong masasampahan ng kaso ang mga opisyal ng Kapa kung walang lumilitaw na complainant.

Ayon kay Pagatpat, hindi na umano kailangan ng private complainant dahil paglabag sa Securities Regulation Code ang ginawa ng Kapa.

“Hindi kailangan for violation of the Securities Regulation Code, hindi kailangan na may mga private complainants tayo. Ang importante na mayroon silang acts violated. Una bago natin ginawa itong pag-raid mayroon tayong mga agent na nagpa-member mismo at dito natin na-confirm na ang kanilang procedure or kanilang processes ay hindi isang donasyon kundi ito ay investment,” paliwanag ni Pagatpat.

Maliwanag din aniya na sa certification na ibinigay ng Securities and Exchange Commission (SEC) na walang secondary license ang Kapa na pwede ang isang korporasyon na tumanggap o mag-engage ng investment affinity.

Nabatid din sa SEC na maging ang article of incorporation ng Kapa ay kinansela na ng SEC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?