230
Kahit walang kuwentang patulan: VP Leni tuloy sa paglaban sa fake news
Apr 16, 2019 @ 21:19
By

Kahit walang kuwentang patulan: VP Leni tuloy sa paglaban sa fake news

Muling nabiktima ng maling balita si Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng Bise Presidente ang balita na may pamagat na “Car accident exists because of cars” na siya umano ang nagsabi.

Aniya, malinaw na peke ito at nagbiro pa na baka sa susunod na balita tungkol sa kanya ay iko-quote naman siya na, “Dapat lakihan ang tubo para magkatubig.”

Ang nakakalungkot aniya ay marami naman ang napapaniwala ng pekeng balita.

Sa kabila nito, hindi umano siya titigil na labanan ang mga fake news kahit pa wala namang kuwentang patulan dahil karapat-dapat na malaman ng mga tao ang katotohanan.

“(We) will continue calling out fake news peddlers. Kahit wala sanang kuwentang patulan. Because people deserve the truth,” saad sa post ni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?