16

By

Kahit walang Kawhi, Toronto tinambakan ang Golden State

Sharing is caring!

Hindi kinailangan ng Canada-based team ang kanilang leading scorer para madomina ang star-studded team ng Golden State Warriors, 113-93 para mapanatili ang kapit sa number one spot ng NBA.

Sa first half pa lang ng laro, maagang pumukol ang Raptors ng 18 puntos na kalamangan, lalo pang nilubog ang Warriors sa 4th, 93-67, dahilan upang maubusan ng kumpiyansa ang huli.

Sumikwat ng double-double performance si Kyle Lowry na may 23 puntos at 12 assists, habang si Serge Ibaka naman ay kumamada ng 20 puntos.

Tatlong manlalaro pa ang naka-double digits para sa Toronto, may 15 si Danny Green, 13 si Pascal Siakam at may 10 naman si Fred VanVleet.

Para naman sa Warriors, nanguna sa opensa si one-time NBA MVP na si Kevin Durant sa 30 markers, pitong rebounds at limang assists, habang nalimitahan naman si Stephen Curry na may 10 puntos lamang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?