358

Dec 26, 2018 @ 22:36
By ,

Kahit walang Bolick-Mocon, San Beda kakasa pa

Matapos mamayagpag ang San Beda Red Lions sa Season 94 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball, kakayanin pa kaya ng tropa ni coach Boyet Fernandez na muling maghari sa NCAA?

Wala na sa line-up ng San Beda ang dalawa nitong ace players na sina Robert Bolick at Javee Mocon.

Pero para sa sportswriter na si Randolph Leongson, magiging mahirap pa rin aniya sa ibang tropa na i-challenge ang San Beda kahit nawala pa ang dalawa nitong superstar.

“They’ve been the bar of NCAA for so long, medyo unfair na you see them trotting out ‘yung kanilang future in the Finals,” wika ni Leongson.

“Si Clint Doliguez ang inaasahan natin na magta-take ng mantle sa kanila. AC Soberano he’s expected to play better performance for them. Also James Canlas, who was dubbed as the future of San Beda by coach Boyet (Fernandez) himself at ang rookie na papasok sa kanila.”

Magiging mahirap ang kampanya ng Beda pero naniniwala si Leongson na kaya nitong magtagumpay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?