51

Sep 11, 2021 @ 22:19
By

Kahit undrafted: Ben Wallace swak sa Hall of Fame

Umukit ng kasaysayan si Ben Wallace bilang kauna-unahang undrafted player na nakapasok sa basketball Hall of Fame.

Sa Linggo ay pormal na mae-enshrine sa Hall of Fame si Wallace, na bigong matawag ang pangalan sa 1996 NBA draft ngunit nagawa pa ring maging mahusay na sentro sa taas na 6’9.

Si Wallace ay nag-average lamang ng 5.7 points kada laro, ngunit ang kanyang depensa ang kinatakutan sa kanyang panahon sa liga.

Siya ay four-time defensive player of the year, four-time All-Star, three-time All-NBA Second team, two-time All-NBA Third team, at five-time All-Defensive first team.

Higit sa lahat, nagkampeon si Wallace noong 2004 kasama ang Detroit Pistons.

Kasama ni Wallace na nakapasok sa Hall of Fame sina Chris Bosh, Paul Pierce, Chris Webber, Toni Kukoc, at Lauren Jackson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?