2,704

Sep 30, 2019 @ 13:31
By

Kahit unconstitutional: Mocha Uson tinalagang opisyal sa OWWA

Itinalaga na bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) si Esther Margaux “Mocha” Uson.

Ito, bagama’t tumakbo si Uson noong nakaraang eleksyon, Mayo 2019, upang irepresenta ang AA Kasosyo party-list.

Ayon sa 1987 Constitution, isang taong hindi pwedeng ma-appoint sa anumang ahensiya ng gobyerno, government-owned or controlled corporations, o subsidiaries nito ang sinumang natalo sa eleksyon.

“No candidate who has lost in any election, shall within one year after such election, be appointed to any office in the Government or any Government-owned or controlled corporations or in any of their subsidiaries,” saad ng Konstitusyon.

Sinabi rin ni Uson na “wala sa isip” niya ang muling pagsali sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte

“Alam mo, wala sa isip ko ‘yan, e. Masaya po ako ngayon na volunteer, kaya tuluy-tuloy lang,” ani Uson sa panayam ng The Philippine Star noong Setyembre 17.

Dating parte ng Movie and Television Review and Classification Board si Uson, tapos naging assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Nag-resign si Uson noong Oktubre 2018 dahil sa hindi nito pagdalo sa dalawang budget deliberations ng PCOO dahil nasa New York ito para sa United Nations General Assembly.

Isang ahensiya ng Department of Labor and Employment ang OWWA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?