10

By

Kahit umuulan, higit 100 nakibahagi sa Laro’t Saya

Sharing is caring!

DAHIL sa kagustuhang makisaya sa Philippine Sports Commission Laro’t Saya sa Parke 2018 Play and Learn Sports for Free, kahit bumuhos ang malakas na ulan ay umindak pa rin ang 60 katao sa zumba kahapon sa Quezon City Circle.

Nagsisimula pa lang pumatak ang mga pawis ay biglang umulan nang malakas pero tuloy ang pagsasaya ng mga nagsi-zumba habang hindi rin naawat sa pagsipa ang 20 nagpatala sa karatedo.

May kabuuang 113 ang sumali sa kada Sabadong aktibidades ng PSC Laro’t Saya, 10 ang sumipa sa football, 10 naman ang pumalo sa volleyball at pito ang tumulak ng piyesa sa chess habang anim ang senior citizen.

Bago nag-uwian ay nagkaron muli ng raffle at nagsilbing emcee si Abante/Tonite sportswriter Lito Oredo habang si former national fencing team member Kimberly Camahalan ang nag-aabot ng premyo sa mga nanalo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?