36

By

Kahit tungkol sa plane crash: Pelikula ni Lou D’ Phillips pinapalabas sa eroplano

Nabahala ang aktor ng “La Bamba” na isa sa mga pwedeng panoorin sa American Airlines flight ang pelikula kung saan nasawi ang bida sa isang plane crash.

Sa Twitter, pinahayag ng aktor na si Lou Diamond Phillips ang pag-alma sa pagpapalabas.

“[A]n airline flight might not be best place to view this film,” aniya.

Sa direksiyon at panulat ni Luis Valdez, ang “La Bamba” ay isang 1987 biographical film na sinundan ang kasikatan at kamatayan ng rock and roll singer na si Ritchie Valens, kasama sina Buddy Holly at Big Bopper.

Ginanapan ito nina Phillips, Esai Morales, at Rosanna DeSoto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?