75

Aug 14, 2019 @ 18:58
By

Kahit tinutukan ng DOTr: 2018 performance ng MRT-3, pinakamahina – COA

Sa kabila ng madalas na pagbibida ng Department of Transportation tungkol sa kanilang nagawa para sa Metro Rail Transit-3, sinabi ng Commission on Audit na ang performance ng tren noong 2018 ang pinakamahina base sa passenger ridership at ticket sales.

Ayon sa CoA, 13 lamang sa 24 na train sets ang dumadaan sa MRT3 noong 2018 at hindi rin gumagana ang 48 na Dalian trains na noong 2017 pa dineliber.

“The revenue operations of the MRT-3 system measured in terms of passenger ridership and ticket sales was at its lowest in CY 2018 with only an average of 13 out of the 14 trains sets plying on the rail tracks, thereby heightening the discomfort of the riding public,” sabi ng CoA sa 2018 DoTr Annual Audit Report.

Nang sinuri ng COA ang operasyon ng MRT-3 sa loob ng apat na taon, bumagsak ang annual ridership nito ng 26% noong 2018 sa 104 milyon mula sa 140 milyon noong 2017 at 26% din ang ibinaba ng ticket sales nito na nasa P2.1 bilyon na lamang noong 2018 mula sa $2.8 bilyon nung 2018.

Sabi ng COA, ito ay dahil kumaunti ang mga tren na dumadaan sa tracks dahil terminated ng DoTr ang kontrata ng Busan Universal Rail Inc. at ang DoTr-MRT3 Maintenance Transition Team na ang nag-take over.

Sabi pa ng CoA, kung umonti ang mga operational glitch noong 2018, ito ay dahil sa nabawasan din ang mga train na pinatakbo.

“In the historical operations of the MRT-3, the number of trains for revenue operations during peak hours is 20 and 15 train sets during off-peak,”sabi ng CoA. “During CY 2018, only an average of 13 train sets were available for operations heightening the indignation of the riding public.”

Ang pumangit na serbisyo ay nangyari sa kabila ng pagkuha ng DoTr 48 na train sets sa CRRC Dalian Co. Ltd. na nagkakahalaga ng P3.8 bilyon at ang P827 milyong upgrade ng ancillary systems nito ng AsiaPhil Manufacturing Industries Inc.

Inirekomenda ng CoA na singilin na ng DoTr ang Dalian para sa mga delay.

Sa kwenta ng CoA, aabot na sa P2.7 bilyon ang maaring singilin na liquidated damages sa Dalian base sa Clause 19 ng kontrata nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?