223

By

Kahit timeout: Curry, Thompson ayaw patirahin si Kawhi

Todo-bantay pa rin ang Golden State Warriors kay Toronto superstar Kawhi Leonard, kahit pa timeout.

Sa kuha ng SB Nation, makikitang hindi hinahayaang makalusot nina Steph Curry at Klay Thompson si Kawhi, kahit patay ang oras ay ayaw itong lubayan.

“Klay and Steph didn’t let Kawhi make a shot during a timeout lmao,” ayon sa tweet ng SB Nation.

Sa first half tumapos si Kawhi ng may siyam na puntos, habang si Kyle Lowry naman ang humarabas sa 21 points sa kalahati pa lang ng laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?