110

Apr 5, 2021 @ 18:43
By

Kahit tent puno na! COVID patient sa sasakyan na ginamot

Ginawan na lang paraan ng isang doktor sa Dasmariñas, Cavite para marespondehan ang isang COVID-19 patient na nahihirapang huminga.

Sa Facebook post ni Dr. Jamie Ysabel Amposta, binahagi ito na sa loob na ng sasakyan ng pamilya ng COVID-19 patient nilagyan ng suwero at oxygen ang pasyente.

“To my fellow doctors i know may patients kayo need to admit but this is the real situation, our nurses are also short handed. even IV stands ubos na that very IV stand ako pa gmwa nyan with medical tapes just so we can bring it outside,” saad ng doktora.

Sa report ng CNN Philippines, kinuwento ni Dr. Amposta na bumaba na sa 70% ang oxygen level ng pasyente kaya’t binaba na ang oxygen tank at IV fluid para maaksyunan kahit nasa loob lang ito ng kotse.

Saad ng doktora, maliit lamang ang kanilang ospital at walong COVID-19 patient lang ang kayang ma-admit, kaya naman ginawan na nila ng paraan para masalba ang senior citizen na pasyente.

Saad pa ni Amposta, kahit ang mga pinuwestong tent sa labas ng ospital ay puno na.

I never thought something like this can happen in my lifetime. i know this is not ideal at all but this is the best we…

Posted by Jamie Ysabel Amposta on Saturday, April 3, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?