118

Sep 2, 2020 @ 16:10
By

Kahit stranded sa Amerika, Rufa Mae napagawa ang bahay sa ‘Pinas

May uuwiang bahay si Rufa Mae Quinto kapag pwede na silang umalis sa Amerika.

Sa Instagram ngayong araw, kinwento ng komedyante kung paanong “sa awa ng Diyos” ay naitawid niya ang pagpapatayo ng bahay sa Pilipinas kahit nasa malayong lugar siya.

“Ito yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede ng umuwi. Imagine habang pandemic , nagpapagawa ako ng bahay , habang Andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lock down , stop, close, open, ecq, mcq, gcq , etc…. pero sa awa ng Diyos , Pa tapos na ang bahay, naitawid ang Lahat,” kwento ni Rufa.

“Todo na to! Go go goals ? god will provide amen ? ito din yung katas ng labor of love ❤️ Ito din ang isa sa dahilan Bakit miss na miss ko ang Pilipinas,” aniya pa.

Nabatid na pumunta si Rufa at anak na si Alexandria noong Pebrero sa California, kung saan nagtatrabaho ang husband ng komedyante na si Trevor Magallanes.

Pero na-stranded sila roon dahil sa anti-coronavirus lockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?