31

Apr 11, 2021 @ 17:32
By

Kahit sobrang hirap: Cone handang ‘makulong’ ulit sa bubble

Gagawin ni PBA winningest coach Tim Cone ang lahat para lang matuloy ang 46th season ng PBA.

Ito’y matapos na mausog muli ang opening sana ng PBA dahil sa pinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) nang sumirit ang COVID-19 case sa bansa.

Ayon kay Cone, lahat ng manlalaro at staff ng PBA ay paniguradong gusto nang magbalik sa pagtatrabaho.

Kaya naman kahit makulong muli sa isang bubble ay tatanggapin ng Ginebra mentor.

“The last bubble was difficult, no doubt about it. It was mentally wearing. Hate being away from the family. But we have to do whatever it takes to get back to playing. As difficult as it might be, we certainly welcome the chance of getting back to the bubble.” aniya pa.

Nagkampeon ang Ginebra sa unang bubble na kinasa ng PBA, na tumagal ng lampas dalawang buwan.

“I think the hardest part of the bubble was there was nothing you can control. You couldn’t decide how long you practice. You don’t always see the players when you want to see them,” dagdag pa ni Cone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?