60

Jun 11, 2020 @ 18:06
By

Kahit sino, libre! Pinay namimigay ng pagkain sa Dubai

Kung may dapat na mapabilang sa mga ‘Pinoy pride’, walang duda na dapat makasama ang pangalan ni Feby Baguisa.

Si Feby ay isang housewife para sa kanyang tatlong anak, kahit walang sariling trabaho ay hindi pa rin ito hadlang para makatulong sa mga nangangailangan sa Deira, Dubai.

Alas-3 pa lang ng madaling-araw ay gumigising na si Feby, hinahanda na ang nasa 150 meal na kanyang pinapamigay kada araw para sa kahit sinong nagugutom.

Sa kabila ng init ng araw, hindi napapagod na pumwesto si Feby malapit sa Patchi Building sa Al Muraqabat Street kung saan marami ang pumipila para mabahagian ng tulong na pagkain.

Hindi lang iyan ang kanyang handang ibigay dahil kahit kanyang contact number ay isinasama rin niya sakaling may mga kailangan ng matutulugan.

“I give them my flat address and tell them if they really have nothing, then to knock on my door. We will do anything for them, if they need a bed and we can give it, we will,” ayon kay Feby.

Dahil dito’y bumuhos ang tulong para kay Feby, dagsa ang mga tumatawag sa kanya hindi para manghingi ng tulong, kundi para bigyan siya ng mga supply na kanyang mailuluto para mas marami pang matulungan sa Dubai.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?