0
views

By

Kahit sino babanggain ni Slaughter

Sharing is caring!

NOONG isang taon ay halos buong season na wala si Greg Slaughter, inabot ng ACL injury at sa sidelines pinapanood ang Ginebra.

Nakabalik na ang 7-foot center, umaariba na rin ang Gin Kings.

Mula sa 1-5 start sa PBA Commissioner’s Cup, pitong sunod na panalo ang tinungga ng Gins – huli ang two-game sweep sa Meralco sa quarterfinals – para pumalaot sa final four.

“I’m just glad to be able to play,” lahad ni Slaughter pagkatapos ng series-clinching 104-90 win ng Ginebra Miyerkoles ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“It was tough watching from the sidelines last year. My teammates fought hard then, and I’m just glad to be out there fighting with them.”

Si Slaughter ang natoka kay Arinze Onuaku, nalimitahan niya sa 12 shots lang bagama’t tumapos ng team-high 21 points. Habang binubulabog ang bruskong import ng Bolts, nagawa pang umayuda ni Slaughter ng 14 points at 10 rebounds.

“It’s tough,” dagdag ni Slaughter sa trabahong pinakarga sa kanya. “Not just Arinze, he’s a handful, but also Meralco.”

Ngayong araw ay alam na ni Slaughter kung sino ang susunod niyang asignaturang bulabugin – si Malcolm White ng GlobalPort o si Reggie Johnson ng Rain or Shine.

Ang winner sa Elasto Painters-Batang Pier do-or-die game kagabi ang haharapin ng Ginebra sa semis. Sa kabilang pairing ang San Miguel Beer at Alaska.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?