120

Oct 18, 2020 @ 18:06
By

Kahit pinutakte ng basher: Pialago ‘very proud’ sa post kay Nasino

Nagpaliwanag si Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago na 70 ang admin ng kanyang Facebook page at hindi siya ang nagbura ng post patungkol sa nakadetineng aktibista na si Reina Mae Nasino.

Paliwanag ni Pialago, may admin ng kanyang Facebook page ang aksidenteng nakabura ng naturang post at hindi niya intensyon na mabura ito sa kabila ng banat ng mga basher.

“Yes I have 70 admins. Soooo here it is. Reposted,” saad ng MMDA official. “At ipopost ko ulit ito ng walang halong pagsisisi.”

Nang tanungin naman ng isang netizen kung proud pa siya sa naturang post, tugon ni Pialago, “Yes very proud.”

Sa nasabing post, binanatan ni Pialago ang mga nagtatanggol kay Nasino dahil aniya, hindi naman lahat ng nakulong ay nabibigyan ng pagkakataon na madalaw ang kanilang anak sa burol.

Pinapatigil din niya ang mga ito na gawing ‘dramaserye sa hapon’ ang pagluluksa ni Nasino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?