256
joshua-garcia

Kahit pinagpalit kay Gerald: Joshua suportado pa rin si Julia

Hindi nakaapekto ang isyu ni Julia Barretto para suportahan pa rin ng dating reel and real-life partner na si Joshua Garcia.

Ibinahagi ni Julia sa kaniyang Instagram story ang mensahe ni Joshua na nagsasabing kilala nito ang dalaga bilang matapang kaya malalampasan nito ang kinakaharap na isyu.

Biro pa ng binata, sa sobrang tapang ni Barretto ay takot siya dito.

“Malalampasan mo yan. I know you, you’re the strongest girl na nakilala ko. Takot nga ako sayo eh,” aniya.

Ani Barretto, kahit sa anong bagay o sitwasyon ay napapatawa siya ng ex-boyfriend.

Matatandaang maingay ngayon ang isyu na ang dalaga umano ang dahilan ng hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Gayunpaman, wala pang pahayag ang mga ito patungkol sa nasabing isyu.

Nagkasama sina Barretto at Anderson sa pelikulang “Between Maybes” na ipinalabas nito lamang May 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?