61

By

Kahit ‘pilay’, Klay bumanat

Sharing is caring!

Ibinuko ni Mychal Thompson hindi 100 percent ang anak na si Klay sa NBA Finals.

Sa first quarter lang ng Game 1, inabot ng left ankle injury si Klay nang pumailalim sa kanya ang bruskong enforcer ng Cleveland Cavaliers na si JR Smith.

Iika-ika, nakangiwi na lumabas ng court si Klay, pumasok ng dugout pero bumalik para maglaro.

Pagkatapos ng opener, sinabi niyang masakit ang paa. Pero lumaro siya sa kabuuan ng series at naging bahagi sa pagwalis ng Golden State Warriors kay LeBron James at Cavs.

“I can’t really feel it,” sagot ni Klay nang matanong ang injury pagkatapos ng four-game sweep sa Cavs. “Even if I had a broken leg, I was gonna play.”

Pinagtatawanan siya ng mga kakamping katabi sa podium na si Draymond Green, Kevin Durant at Andre Iguodala.

“Probably not. I would have tried to play,” buwelta ni Klay. “Key word, ‘tried.’”

Iba ang nakita ni Mychal, 63, na two-time NBA champion din kasama ng Showtime Los Angeles Lakers noong 1980s.

“He was probably playing at 50 percent capacity,” pagbubunyag ni Mychal, naglaro din sa Portland Trail Blazers at San Antonio Spurs. “Just playing on adrenaline and passion alone because he knows how much this means to him and his team and to the Warriors fans and the organization. He wanted to be a part of it.”

Gusto raw makatulong ni Klay sa team, kahit iisang paa lang ang gumagana ay maglalaro pa rin.

Determinasyon, tigas ng dibdib at tibay ng paa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?