46

Oct 13, 2020 @ 20:55
By

Kahit PBA player na: Anak ni Black nanghihingi pa ng pera!

Nilaglag mismo ni Meralco head coach Norman Black ang kanyang anak na si Aaron matapos ang kanilang pagkatalo kontra Phoenix Super LPG, 116-98.

Sa postgame interview kay Norman, sinabi nito na nanghihingi pa rin daw sa kanya ng pera si Aaron kahit limpak na rin ang kinikita nito bilang rookie sa Meralco.

“I’m happy to be in the bubble with Aaron. He’s a good kid. He listens and he follows, well, most of the time,” ayon kay Black.

“The only problem is he still asks me for money. I have to remind him he’s a pro who makes his own money now,” saad naman nito.

Napa-react naman si Aaron sa Twitter sa sinabi ng kanyang ama.

Sa unang PBA game ng dating Ateneo player, kumolekta siya ng anim na puntos at tatlong assists

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?