67

Dec 26, 2019 @ 10:17
By

Kahit Pasko, NBA maraming laro

Loaded ang Christmas Day schedule ng NBA.

Maglalaro si MVP Giannis Antetokounmpo at Milwaukee Bucks laban sa contender din sa Eastern Conference na Philadelphia 76ers.

Ang reigning champions Toronto Raptors, dadayuhin ng Boston Celtics sa unang Christmas Day game sa Canada.

Sa Los Angeles, may showdown ang dalawa sa pinakabagong dynamic duos ng liga – sina LeBron James at Anthony Davis ng Lakers laban kina Paul George at Kawhi Leonard ng Clippers.

Nasa 65th day na ang 74th o 2019-2020 season, break nila kahapon. Nasa records na rin ang resulta ng natapos na 454 games.

“It’s going to be cool, man,” ani Raptors guard Kyle Lowry na ngayon lang lalaro ng Dec. 25. “I’ve always watched it on TV ever since I was a young child.”

Lider sa West ang Lakers (24-6), pang-apat ang Clipers (22-10).

“I hope everybody has a great holiday and spends some time with their families, but it’s all about the next opponent in front of us,” ani Lakers coach Frank Vogel. “We have to get the win.”

Ang iba pang matchups: Houston vs. Golden State, at New Orleans vs. Denver.

Sa likod ni Nikola Jokic, umarangkada ang Nuggets sa best start na 21-8, No. 2 sa West.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?