204

Feb 23, 2021 @ 17:58
By

Kahit Pasko ‘di dumalaw! Raymart matigas pa rin sa sustento ng anak – Claudine

Nilantad ni Claudine Barretto na hanggang ngayon ay may gusot pa rin sa kanila ng kanyang dating mister na si Raymart Santiago.

Sa panayam ni showbiz columnist Rey Pumaloy kay Claudine sa ‘Abantelliling’, sinabi ng aktres na tuloy pa rin ang demanda kontra kay Raymart.

“So ngayon matigas na naman siya sa judge, eh kung ma-warrant siya wala na akong magagawa. Obligasyon niya yung magbigay ng child support,” lahad ni Claudine

“Magbibigay lang siya kung ano yung trip niyang ibigay,” aniya pa.

Matatandaan na kinasuhan ni Claudine si Raymart sa umano’y paglabag sa Violence Against Women and Children Act sa ilalim ng ‘economic abuse’.

Saad noon ng kampo ni Barretto, matagal na hindi nagsustento si Raymart, o kung magbigay man ay kulang.

Isa pa umano sa hindi nagustuhan ni Claudine ay wala umano si Raymart noong Pasko para makasama ang kanilang dalawang anak, nagtungo ito isang linggo bago ang Kapaskuhan.

Nakagawian daw nila na tuwing bisperas ng Pasko ay nasa pamilya Barretto ang kanilang anak, December 25 naman ay nasa mga Santiago.

“Nung Christmas hindi nila nakasama. Hindi namin alam kung saang lupalop o country siya nagpunta, kung sino kasama niya,” sambit pa ni Claudine.

Hiling ni Claudine na matapos na ang sigalot sa kanyang dating asawa.

“Diba para masaya na ang lahat? Ang kailangan mo lang sundin yung judge, yung batas. Kasi kung hindi, makukulong ka na naman.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?